Menor de edad sa Palanan, Isabela, Arestado sa kasong Homicide!

60

Palanan, Isabela – Natimbog ng mga otoridad ang isang menor de edad sa kasong homicide matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas tres ng hapon sa Brgy. Centro West, Palanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Palanan ang menor de edad na itinago sa pangalang “Mark”, residente ng Brgy. Didadungan, Palanan, Isabela sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Rodolfo B. Dizon ng RTC Branch 18, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Homicide.

Nasa himpilan na ng pulisya ng Palanan ang binatilyo para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P120,000.00

Facebook Comments