Emmanuel Dooc, nagbitiw na bilang pinuno ng SSS

Nagbitiw sa kanyang pwesto bilang President at Chief Executive Officer ng Social Security System (SSS) si Emmanuel Dooc.

Ayon kay Dooc – nagpadala na siya ng sulat kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang irrevocable resignation.

Paliwanag ng opisyal, naitalaga siya sa ilalim pa ng lumang SSS charter, kaya mawawalan na ng bisa ang kanyang tungkulin sa ilalim ng bagong charter.
Kasabay ng kanyang pagbibitiw, nagpasalamat din Dooc sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte.


Facebook Comments