Menor de edad, Timbog sa kasong paglabag sa RA 8353!

68

Quirino, Isabela – Arestado ang isang binatilyo na may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 8353 o *”The Anti-Rape Law of 1997″* matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Munoz West, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Quirino katuwang ng PNP Roxas ang menor de edad na itinago sa pangalang “Jun”, estudyante at residente ng nabanggit na lugar matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong paglabag sa Anti-Rape Law.


Nasa himpilan na ng Quirino Police Station ang binatilyo para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments