Tinututukan ngayon ng Philippine Miltary Academy (PMA) ang mental health conditon ng mga kadete at opisyal nito.
Kasunod ito ng pagkamatay ng dalawang sundalo dahil sa pag-aamok sa akademya sa Baguio City noong Setyembre ng kapwa nila sundalo na napag-alamang dumaranas ng mental health problem.
Sa interview ng RMN-Manila, sinabi ni PMA Spokesperson Major Cherryl Tindog na may isinasagawa nang psycho-social assessment at intervention sa anger at stress management ng mga kadete.
Nagkaroon din ng mas malalim na pagsisiyasat tungkol sa mental health condition ng mga kadete kung saan ilan sa mga ito ay nakitaan na may problema na posibleng dahil sa malaking adjusment sa training at lifestyle.
Isa ring factor dito ang nangyayaring pandemya kung saan matagal na nilang hindi nakikita ang kanilang pamilya.
Paalala ni Major Tindog sa mga nais maging sundalo, kinakailangan na buo ang loob at handa sa anumang magiging sakripisyo.
Sa ngayon, nananating COVID-free ang PMA at hindi sila magpapapasok ng bisita hangga’t walang bakuna kontra Covid-19.