Mental health ng may mga sakit, manggagawa sa turismo at mga kabataan – higit na naapektuhan ng pandemya

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) National Center for Mental Health na iba’t ibang sektor ang nakararanas ng matinding epekto sa kaisipan at kalusugan bunga ng pandemya.

Ayon kay Dr. Agnes Joy Casino, kabilang sa mga sektor ang mga manggagawa sa turismo, gayundin ang medical frontliners na tinamaan ng COVID-19, tulad na lamang ng mga mahihirap na batang hindi nakakapag-aral, ito’y apektado ng mental health at itinuturing na socially isolated na nahaharap sa stigma at walang koneksyon.

Apektado rin ang mga nawalan ng trabaho, nabawasan ang kita, nakatatandang mga trabahador, pamilya ng solo parent at mga kabataan naghahanap ng trabaho.


Facebook Comments