Mental health ng mga estudyante, dapat tutukan ng pamahalaan

Nanawagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pamahalaan na bigyang pansin ang mental health ng mga mag-aaral na sumasalang sa distance learning.

Ayon kay Marcos, ikinalulungkot niya ang sitwasyon ng mga pre-schoolers at highschool students.

Hinikayat naman nito ang pamahalaan na pag-aralan ang pagsasagawa ng limited face to face classes sa mga lugar na mababa ang COVID-19 infections, upang mabawasan ang mental pressure sa mga mag-aaral.


Maliban sa mental health, idinagdag pa ni Marcos na dapat na hanapan ng solusyon ang kakulangan sa gamit ng mga mahihirap na estudyante.

Facebook Comments