Desisyon kung mananatili pa sa pwesto si DOH Sec. Duque, nasa kamay na ni Pangulong Duterte

Ipapaubaya na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung mananatili pa sa pwesto si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Sa gitna ito ng napaulat na P67.3 billion deficiency sa kagawaran na batay sa Commission on Audit (COA) ay dapat sana ay nakalaan para pantugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Duqe, wala siyang balak na manatili pa sa pwesto kung wala namang tiwala sa kaniya ang Pangulo.


Habang wala rin aniya siyang iba pang gusto kundi ay matapos na ang problema sa COVID-19.

Facebook Comments