Mental health ng mga sundalo na napasabak sa giyera, pinagagawan ng programa sa gobyerno

Manila, Philippines – Hiniling ni House Committee on Defense and Security Senior Vice Chairman Ruffy Biazon sa gobyerno ang pagkakaroon ng programa para sa mga sundalong sumabak sa giyera laban sa Maute Terror Group sa Marawi.

Giit ni Biazon, kakailanganing tutukan ngayon ng pamahalaan ang mental health ng mga sundalo ngayong idineklara na ang liberation sa Marawi City.

Hindi aniya biro ang trauma at stress na pinagdadaanan ng mga sundalong sumabak sa giyera sa mga terorista.


Tiyak aniyang maraming sundalo ang may post traumatic stress disorder dahil sa dinanas na hirap sa gitna ng bakbakan.

Dagdag ni Biazon, mahalagang makabalik sa normal ding pamumuhay ang mga sundalo sa normal state din ng kanilang kaisipan.

Facebook Comments