Tinututukan na rin ng Philippine Embassy sa Lebanon mental health ng Filipino migrant workers doon.
Sa pamamagitan ito ng paglulunsad ng seminar sa labor rights at mental health awareness ng mga Pinoy sa Lebanon.
Ayon sa embahada, mahalagang matutukan ang mental health ng mga manggagawang Pilipino doon lalo na’t malayo sila sa kanilang pamilya.
Importante rin anilang malaman ng Pinoy workers ang kanilang karapatan sa kanilang working conditions doon.
Sa ngayon, umiiral pa rin ang deployment ban sa Filipino household service workers sa Lebanon.
Ito ay matapos na maraming Pinoy household service workers doon ang nakaranas ng pagmamalupit ng kanilang Lebanese employers.
Facebook Comments