Meralco Bolts Coach Norman Black, ikinatuwa ang pagkakapanalo sa game 3 sa finals ng PBA Governors Cup

Sports – Matapos ang dalawang magkasunod na talo, nakaresbak ang Meralco Bolts kontra Barangay Ginebra sa game 3 ng PBA Governor’s Cup.
Sa final score na 81-94, wagi ang Bolts sa pangunguna ni Allen Durham na nakagawa ng 38 points.
Ayon kay Durham, susi sa panalo ng kanilang team ang sapat at tamang focus sa laro.
Ikinatuwa naman ni Meralco head coach Norman Black ang ipinakitang teamwork at pagseseryoso sa laro ng kanyang mga player
Napikon pa si Ginebra Coach Tim Cone matapos na tumawag ng time-out si Bolts Coach Norman Black kahit lamang sila ng 13 puntos sa natitirang huling 30 segundo ng laro.

Facebook Comments