Meralco Bolts pasok na sa semifinals ng 2021 PBA Philippine Cup

Pasok na sa semifinals ng 2021 PBA Philippine Cup ang Meralco Bolts matapos talunin ang NLEX sa score na 97-86.

Nagamit ng Bolts ang kanilang twice-to-beat advantage laban sa NLEX para makaharap ang Magnolia Hotshots.

Nasa 18 points ang inabot ng kalamangan ng Bolts sa third quarter.


Pinangunahan ni Chris Newsome ang laban na nakapagtala ng 23 points, 9 na rebounds, 6 na assits at dalawang blocks.

Aminado naman si Bolts Coach Norman Black na hindi madaling talunin ang NLEX dahil sa kakaibang diskarteng ipinamalas ng kanilang coach na si Yeng Guiao.

Facebook Comments