MERALCO, inatasan ng ERC na mag-refund ng ₱19.9 billion dahil sa sobrang koleksyon

Kinumpirma ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta na kanila ng inatasan ang MERALCO na magpatupad ng refund.

Ayon kay Dimalanta, base aniya sa resolusyon ng ERC, ₱19.9 billion ang iniutos nila sa MERALCO na maibalik sa mga consumer.

Dahil ito sa kanilang sobrang koleksyon mula July 2022 hanggang December 2024.


Ipatutupad ang refund sa loob ng 36 na buwan.

Paliwanag pa ni Dimalanta, katumbas ang refund ng 12 centavos per kilowatt hour para sa lahat ng customer at 20 centavos per kilowatt hours sa mga residential customer.

Facebook Comments