TRAK NA NASA HIGIT 15 TONS, IPINAGBAWAL NA DUMAAN SA BUNTUN BRIDGE

CAUAYAN CITY – Naglabas ng abiso ang Department of Public Works and Highways-Cagayan 3rd District Office hinggil sa pagbabawal sa mga trak na may bigat na higit 15 tonelada na dumaan sa Buntun Bridge sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ayon sa DPWH, nakitaan ng mga senyales ng pagkasira ang naturang tulay, kabilang ang patuloy na paglitaw ng mga butas sa deck slab, na maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista.

Upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente, inirerekomenda ng ahensya na dumaan sa Daang Maharlika sa Isabela ang mga biyahero na patungo at mula sa lalawigan ng Cagayan.


Hinihiling ng DPWH ang kooperasyon ng publiko upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments