Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.
Ayon kay Meralco Utility Economics Head Larry Hernandez, nasa P0.27 kilowatt per hour (kWh) ang itataas ngayong buwan ng Enero dahil sa pagmahal ng generation charge.
Dahil dito, madaragdagan ng P55 ang bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWh, P82 naman para sa 300 kWh, P110 para sa 400 kWh.
Habang P137 naman para sa mga customer na kumokonsumo ng 500 kWh.
Samantala, nagsimula na rin ang Meralco na magpadala ng disconnection notice para sa mga konsumer na nahinto ang pagbabayad sa kanilang bill noong 2020 bunsod ng pandemya.
Giit ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, mayroon hanggang katapusan ng Enero para magbayad ng natenggang bills ang mga konsumer na may konsumong hanggang 200 kilowatt hour (kWh).
Aniya, maaari namang mag-avail ng installment plan ang mga ito pero dadaan pa sa assessment ng isang manager.
Batay sa patakaran ng Meralco, ang kostumer ay may 5 working days mula sa pagtanggap ng disconnection notice para magbayad kundi ay mapuputulan na siya.