MERALCO, magtataas ng singil ngayong buwan

Manila, Philippines – Magpapatupad ang Manila Electric Company (MERALCO) ng P.08 sentimo kada kilowatt hour na dagdag-siĀ­ngil sa kuryente ngayong Hulyo.

Paliwanag ni MERALCO Vice-President and Head of Utility Economics Lawrence Fernandez, ang dagdag-singil ay bunga ng pagtaas ng generation charge.

Dahil dito, ang kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ay magkakaroon ng karagdagang P15 sa kabuuang bayarin, P24 sa kumukonsumo ng 300 kwh kada buwan at P32 sa nakakaĀ­gamit ng 400 kilowatt hour.


Nabatid na naibawas na sa naturang halaga ng dagdag singil ang P0.79 per kilowatt hour na refund sa mga consumer.

Facebook Comments