Meralco, may bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero

Magkakaroon ng bawas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Pebrero.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagkaroon ng bawas-singil sa kuryente ang kumpanya.

Ayon sa Meralco, bababa nang P0.118 kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa bill ng Pebrero na katumbas ng P24 na bawas sa mga kabahayang may 200 kwh na konsumo, habang P36 naman sa 300 kwh, P46 sa 400 kwh, at P59 sa 500 kwh.


Ang bawas-singil ay dahil sa pagbaba ng kuryente sa spot market at mga power supplier.

Samantala, nagbabala naman ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng makaranas ng brownout sa summer dahil sa manipis na reserba ng kuryente kung kaya’t nangontrata na ang ahensya sa Meralco para sa dagdag na supply ng kuryente.

Facebook Comments