“Persons of interest” sa pagkawala ng mga sabungero, natukoy na ng PNP

Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang mga “person of interest” na nauugnay sa pagkawala ng 26 na sabungero sa iba’t-ibang lugar.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa kamay na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilang ebidensya tulad ng CCTV footage.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga imbestigador sa pamunuuan at security personnel ng mga sangkot na sabungan.


Sa inisyal na report ng PNP, apat na lalaki ang naiulat na nawawala matapos pumunta sa isang sabungan sa Sta. Cruz, Laguna noong January 13 habang anim na lalaki rin ang naiulat na nawawala ng kaparehong araw sa Maynila.

Sa imbestigasyong ng CIDG ay lumabas rin na marami pang mga sabungero ang nawawala, walong buwan na ang nakakalipas, sa naturang sabungan sa Sta. Cruz, Laguna.

Facebook Comments