Meralco, nagbabala kontra energy-saving device

Nagbabala ang Meralco laban sa mga naglipanang gadget na umano’y nakakapagpababa ng bayarin sa kuryente.

Base sa pagsusuri ng nasabing electric company, sa halip na bumaba nakakapagpataas pa ng konsumo ang gadget dahil gumagamit din ito ng kuryente.

Kaya payo ni Alfred Iporac, project manager ng Meralco Power Lab – huwag patulan ang mga nag-aalok ng energy-saving device dahil hindi rin tiyak na ligtas itong gamitin.


Giit pa ng opisyal – bababa lang ang bayarin sa kuryente kung babawasan ang appliances sa bahay at iiklian ang oras ng paggamit nito.

Sa huli, binalaan ng Meralco ang publiko laban sa mga nagpapakilalang tauhan nila at nagbabahay-bahay para mag-alok ng nasabing serbisyo.

Facebook Comments