Meralco, nakapagbigay na ng ₱2.84 billion na “bill relief” sa customers

Aabot sa ₱2.84 billion na “bill relief” ang naibigay na ng Meralco sa kanilang customers.

Sa presentasyon ni Meralco President and CEO Atty. Ray Espinosa sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa ₱2.8 billion ay ₱1.9 billion dito ang na-waive na singil ng Meralco sa ilalim ng Guaranteed Minimum Billing Demand (GMBD) sa mga business customers mula Marso hanggang Hunyo.

Ang GMBD ay ang fixed cost sa bill na mismong mga negosyo ang nagdedetermina para matiyak ang cost-efficient at safe operations, nagamit man nila ang kuryente o hindi.


Tinatayang nasa 87,728 na mga small-medium enterprises at large business customers ang nakinabang dito.

Noong Hulyo naman ay pinalawig pa nila ang pag-waive sa GMBD relief sa mga industriyang hindi pinapayagang mag-operate sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na umabot sa ₱513 million o katumbas ng 57,939 na mga maliliit at malalaking negosyo.

Habang ngayong Agosto na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay muling in-extend ang GMBD suspension sa mga negosyong nasa 50% lamang ang capacity na katumbas ng ₱272 Million mula sa 28,463 business customers.

Nasa ₱64 million naman ang na-refund simula nitong July 15 para sa customers na hindi nabasa ang metro sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at MECQ pero nagbayad pa rin ng bill.

₱30.4 billion naman ang halagang nai-refund mula March 16 hanggang July 15 para sa 647,000 Meralco online transactions.

Ipinagmalaki pa ng Meralco na nasasagot na ngayon ang mga reklamo ng customers dahil sa dagdag na agents at umani rin sila ng positibong feedback sa mga consumers sa kanilang inilabas na infomercial na nagpapaliwanag sa naging singil sa May hanggang June bills.

Facebook Comments