Meralco, todo-handa na sa FIBA Asian Cup

Puspusan na ang paghahanda ng Meralco Bolts sa gaganaping FIBA Asian Cup na gaganapin sa Bangkok, Thailand ngayong buwan.

Looking forward si head coach Norman Black lalo na ito ang ikalawang beses na ire-representa ng Meralco ang Pilipinas sa torneyo.

Maliban sa practice matches laban sa iba pang PBA teams, magkakaroon ng tune-up games sa bibisitang South Korean team bago tumulak sa Bangkok.


Samantala, susubukan ng Gilas Pilipinas na makuha ang panalo kontra Angola na kanilang makakaharap ngayong araw sa FIBA World Cup.

Ang Gilas at Angola kasi ay kapwa wala pang panalo sa Group D.

Facebook Comments