Merchandiser, Patay nang Barilin ng 2 Beses sa Ramon,Isabela

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival sa pagamutan ang isang merchandiser matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek dakong alas-7:50 kagabi sa NIA road, Purok 7, Brgy. Ambatali, Ramon, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT. Noli Cipriano, hepe ng Ramon Police Station, kinilala ang biktima na si Oliver Duldulao, 36-anyos, may asawa at residente ng Sta. Maria, Alfonso Lista, Ifugao.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, binabagtas ng biktima ang barangay road lulan ng kanyang motorsiklo ng marinig ng isang fishpond caretaker ang nangyaring pamamaril sa biktima.


Dali-dali namang lumabas ang caretaker makaraan ang pamamaril at tumambad sa kanya ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Ayon pa kay PLT. Cipriano, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang biktima partikular sa likod at dibdib.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay nakalagak na ang bangkay ng biktima sa kanilang tahanan sa Alfonso Lista habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga kinauukulan.

Facebook Comments