May tiyansa pang maisalba sa death row ang tinatayang nasa 100 aso na nasa dog pound ng San Jose Del Monte, Bulacan kung may mag-aapon sa mga ito.
Inihinto muna ng City Veterinary Office ang nakatakda sanang euthanization o mercy killing ng mga ito nitong Sabado, Hunyo 22, dahil may mga dumating pang tao para mag-ampon.
Ngunit hindi raw puwedeng patagalin ang pagpapaliban ng euthanasia dahil hindi na kinakaya ang gastos sa pag-aasikaso sa mga aso.
Nakasaad sa Anti-rabies Act na maaaring ipa-ampon ang mga nahuli at dinalang aso sa dog pound matapos ang tatlong araw na walang kumuha at maaari na silang isailalim sa euthanasia kung wala ring mag-aampon sa mga ito.
May sakit na ang ilan sa mga aso pero maayos pa ang kalagayan ng karamihan dito.
Patuloy naman ang panawagan ng iba’t-ibang volunteer para sa proteksyon ng mga aso gaya ng Pawssion Project, non-profit group na nakabase sa Bacolod na nagsagawa ng donation drive para sa pagsagip sa mga aso.