PANOORIN: Pusang ‘madalas bumili’ sa tindahan

814
Screenshot via Jason Garcia Miller

Tuwang-tuwa ang netizens sa kumakalat na video ng pusang suki sa isang tindahan pero hindi naman nagbabayad.

Mapapanood sa bidyo ni Jason Miller Garcia ang ‘pusakal’ or pusang kalye na animo’y bumibili sa kanilang tindahan. Tinanong ng tindero kung anong bibilhin ng pusa at tila itinuro naman nito ang pagkain.


Matapos iabot sa pusakal ang ‘biniling pagkain’, bigla itong kumaripas ng takbo.

Pabirong sumigaw ng “bayad” ang nagtitinda.

Ayon sa ulat, palaging dumarayo ang pusa sa tindahan ng uploader upang humingi ng pagkain. Aniya, maaring nasanay na ito kaya bumabalik sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan, mahigit 300,000 social media users ang aliw na aliw sa video ni Garcia.

Narito ang ‘cute transaction’ video ng pusa at tindero:

Facebook Comments

From Advertisers