Merger ng DBP at Landbank, mangangailangan ng batas

Hindi maaring isagawa ang planong merger ng Development Bank of the Philippines (DBP) at Land Bank of the Philippines o LBP sa pamamagitan lamang ng isang Executive Order o EO.

Giit ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, kailangang magkaroon ng batas hinggil dito.

Paliwanag ni Lagman, tanging ang Kongreso lamang ang makapagbibigay ng “legislative charters” para sa operasyon ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCCS.


Sabi ni Lagman, ang Kongreso lang din ang maaring mag-amyenda sa charters ng mga GOCCs, gayundin kung bubuwagin o pag-iisahin ang mga ito.

Binanggit ni Lagman na ang DBP ay nabuo sa ilalim ng Republic Act No. 2081 of 1958, habang ang LBP ay sa ilalim naman ng Republic Act No. 3844 of 1963 At ang dalawa ay may hiwalay na legislative mandates.

Facebook Comments