Mangilan-ngilan pang tauhan ng BuCor sa Bilibid, nagpositibo sa COVID-19

Nagpapatuloy pa rin ang contact tracing na pinatutupad ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay bagama’t nakalabas na ng National Bilibid Prison (NBP) isolation ward kaninang umaga ang 47 pang Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Sa ngayon, 14 PDLs na lamang ang nasa isolation kabilang na ang isang senior citizen.


8 sa mga ito ang may mild symptoms habang 6 ang asymptomatic.

2 namang BuCor personnel mula sa medium security compound ang panibagong nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Supt. Elsa Alabado ng Correctional Institute for Women (CIW), isa ring incoming duty personnel nila ang nagpositibo sa infection kaya isinailalim sa rapid antigen test ang lahat na nakasalamuha nito.

Facebook Comments