Tiniyak ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mahigpit nilang ipatutupad ang tinatawag na Meritocracy sa pagtatalaga ng mga opisyal at empleyado na kwalipikadong mabigyan ng promosyon.
Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, walang magiging puwang ang “palakasan system” para makakuha lamang ng promotion at posisyon sa TESDA.
Paliwanag ni Cruz, bilang mahigpit nilang patakaran sa pagpili ng mga karapat-dapat na mabigyan ng promosyon sa trabaho ay ibabase umano ang placement at promotion sa performance at credentials ng isang opisyal at empleyado na mabigyan ng promosyon.
Binigyang diin ni Cruz na magkakaroon ng malawakang decentralization sa TESDA kung saan ay bibigyan ng kapangyarihan ang Regional at Provincial Directors sa pagpili ng mga empleyadong ilalagay sa nararapat na posisyon.