MANILA – Ipapa-aresto ng Senado ang messenger ng Philrem Services Corporation na si Mark Palmeras sakaling hindi pa rin ito sumipot sa pagdinig kaugnay sa $81 million money laundering scheme.Sa interview ng RMN kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. TG Guingona, kinumpirma nito na kanya nang pinirmahan ang pagpapalabas ng Subpoena laban sa naturang messenger para sumipot sa susunod na hearing.Ayon kay Guingona, halatang may alam ang Philrem sa ninakaw na 81 million dollars lalo na’t pabago-bago sila nang testimonya habang kaduda-duda naman ang palaging hindi pagsipot ni Palmeras sa hearing dahil sa sakit.Kasabay nito, nagbanta si Guingona na posibleng maharap sa patong-patong na kaso ang Philrem.Kahapon ay hindi napigilan ni Guingona na mainis sa Philrem matapos na hindi na naman sumipot sa pagdinig ng Senado.
Messenger Ng Philrem Corporation, Pina-Aaresto Na Ng Senado
Facebook Comments