Monday, April 13, 2026

Meta, posibleng kasuhan kung hindi mapipigilan ang pagkalat ng fake news — DICT, PCO

Nagbabala ang Presidential Communications Office (PCO) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaaring kasuhan ang Meta Platforms Inc. kapag hindi nito napigilan ang pagkalat ng fake news sa mga platform tulad ng Facebook.

Sa liham ng dalawang ahensiya, inaatasan ang Meta na agad higpitan ang pagbabantay sa maling impormasyon na nagdudulot ng panic at kaguluhan.

May 48 oras ang kompanya para kumpirmahin ang liham at pitong araw para maglatag ng konkretong plano.

Ayon sa DICT at PCO, kung kulang ang aksyon, maaari itong humarap sa legal at regulatory measures sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice at iba pang ahensiya.

Binigyang-diin ng gobyerno na mas lumalala ang epekto ng fake news sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.

Kabilang sa mga tinututukan:
• Pekeng balita sa kalusugan ng pangulo
• Maling impormasyon sa presyo ng langis at suplay
• Panlilinlang sa bangko at ekonomiya

Paalala ng pamahalaan, ang ganitong gawain ay maaaring lumabag sa Cybercrime Law at iba pang umiiral na batas.

Facebook Comments