Apat na rehiyon sa bansa ang ipaprayoridad sa vaccination program ng pamahalaan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, kabilang sa ipaprayoridad ay ang National Capital Region (NCR), Central Visayas, CALABARZON at Central Luzon.
Ang apat na rehiyon ay nakalista sa ipaprayoridad sa vaccination plan batay sa mga datos ng Department of Health (DOH) partikular ang positivity rate.
Susunod na priority areas ay ang mga highly-urbanized cities na may mataas na COVID-19 cases kabilang ang Baguio City, Iloilo City, Cebu City, Bacolod City at Davao City.
Kasunod nito ay ang mga siyudad at munisipalidad na mayroong moderate cases ng COVID-19 habang ang apat at huling priority ay ang mga lugar na may mababang positivity rate.