Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bahagyang pagluluwag ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) at probinsya ng Bulacan.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang Metro Manila at Bulacan ay isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with “some restrictions” simula bukas, June 16 hanggang 30, 2021.
Mananatili naman sa GCQ with “heightened restrictions” an Cavite, Laguna, at Rizal.
Nasa ilalim naman ng ordinaryong GCQ ang mga sumusunod:
• Baguio City
• Kalinga
• Mountain Province
• Abra
• Benguet
• Isabela
• Nueva Vizcaya
• Quirino
• Batangas
• Quezon
• Iligan City
• Davao del Norte
• General Santos City
• Sultan Kudarat
• Sarangani
• Cotabato
• South Cotabato
• Lanao del Sur
• Cotabato City
Inilagay naman ng pamahalaan sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang mga sumusunod na lugar hanggang katapusan ng Hunyo.
• City of Santiago, Isabela
• Cagayan
• Apayao
• Ifugao
• Bataan
• Lucena City
• Puerto Princesa
• Naga City
• Iloilo City
• Iloilo
• Negros Oriental
• Zamboanga Sibugay
• Zamboanga del Sur
• Zamboanga del Norte
• Zamboanga City
• Cagayan de Oro City
• Davao City
• Butuan City
• Agusan del Sur
• Dinagat Islands
• Surigao del Sur
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng modified GCQ.