Nangunguna ang National Capital Region at Calabarzon sa may pinakamaraming single o walang ka-date ngayong Valentine’s Day.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, 5.03 million ang single ng Calabarzon o Region 4A habang nasa 4.9 million naman ang mga single sa Metro Manila.
Pumangatlo ang Region 3, kung saan umaabot sa 3.8 million ang mga single o walang jowa ngayong Araw ng mga Puso.
Ang Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM ang isa sa naitalang maraming mapagmahal o kakaunti ang single.
Samantala, base sa survey ng PSA, mas marami pa rin ang mga lalaking kung ikukumpara sa mga babae.
Lumalabas na mayroong 118:100 ang ratio ng lalaki sa babae.
Una ng sinabi ng PSA kahapon, umaabot sa 34.8 million na mga Pinoy ang walang magiging kabalentina at kabalentino dahil sila ay mga single o walang jowa.
Base sa dipinisyon ng Census of Population ng 2015, ang mga single ay yung mga taong hindi pa ikinasal kahit minsan.