Pinangangambahan ang matinding kakulangan sa tubig sa Metro Manila at mga kalapit probinsya simula ngayong weekend.
Ito ay dahil sa patuloy na pagsadsad ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr. – sa Hulyo pa inaasahang magkakaroon ng pag-ulan na magdadagdag ng lebel ng tubig sa mga dam.
Sinabi ni Manila Water President and CEO Ferdinand Dela Cruz – asahan na ang madalas na water interruption upang hindi masaid ang kakarampot na imbak na tubig.
Sa panig ng Maynilad, nanawagan si President Ramoncito Fernandez – gawing seryoso ang pagtitipid sa tubig dahil marami na ang maaapektuhang customer.
Pinagsabihan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dalawang water concessionaires na tiyaking tama at nasa oras ang mga advisory nila.