Metro Manila at pitong iba pang lugar, mananatili sa GCQ hanggang katapusan ng taon

Mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila para sa buwan ng Disyembre.

Sa kanyang ‘Talk to the Nation Address,’ maliban sa National Capital Region ay inilagay rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa GCQ sa loob ng isang buwan ang sumusunod:

– Batangas
– Iloilo City
– Tacloban City
– Lanao del Sur
– Iligan City
– Davao City
– Davao del Norte


Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Umapela si Pangulong Duterte sa publiko na sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, palagiang paghuhugas ng kamay at physical distancing para mapigilan ang bugso ng infections sa bansa.

Dagdag pa ng Pangulo na maraming matigas ang ulo at hindi sumusunod sa minimum health standards.

Iginiit din ni Pangulong Duterte na dahan-dahang binubuksan ang ekonomiya para makabalik ang mga tao sa kanilang mga trabaho.

Pinayuhan din ng Pangulo ang mga lalabas ng bahay at papasok sa trabaho na panatihiling sundin ang health protocols habang hinihintay ang bakuna.

Facebook Comments