Metro Manila at walong lugar sa bansa, nananatiling COVID-19 hotspots – OCTA Research

Inisa-isa ng OCTA Research Team ang COVID-19 hotspots o mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Ito ay ang Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Negros Occidental at Iloilo.

Sa kanilang monitoring report, hinimok ng mga eksperto ang pamahalaan na ikonsdera ang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine classification o localized lockdowns sa bayan ng Bauan sa Batangas, Calbayog sa Western Samar, at General Trias Sa Cavite.


Ang paghihigpit ng restrictions ay inirekomenda sa tatlong lugar bunga ng tumataas na daily attack rate ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Ang attack rate ay bilang ng bagong kaso kada araw sa loob ng populasyon.

Iminungkahi rin ng mga eksperton na higpitan ang restrictions sa mga lugar na mayroong limited hospital capacity o mayroong hospital occupancy rate na lagpas 70%.

Gayumpaman, nagagawa pa rin ng Pilipinas na mapanatili ang downward trend ng bagong infections.

Facebook Comments