Magpupulong ang Metro Manila Council (MMC) sa Lunes, May 25, 2020 para pag-usapan kung irerekomenda ang pagpapalawig o pagpapagaan ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na magtatapos sa May 31, 2020.
Ayon kay MMC Chairperson, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pagbabasehan ng konseho ay ang pagbagal ng pagdami ng kaso ng COVID-19
Pero nagpaalala si Olivarez sa mga residente ng Metro Manila na hindi pa rin dapat magpakampante at patuloy na sundin ang quarantine protocols dahil posible pa ring ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Galvez na posibleng ilang barangay o lugar sa Metro Manila na lamang ang ilalagay sa ECQ.
Sa ngayon, hinihintay ng MMC ang approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago sila magpatupad ng ilang protocol.