Pangulong Rodrigo Duterte, naghandog ng house and lot sa mga valedictorian ng PMA AT PNPA

Makakatanggap ng bahay at lupa ang mga itinanghal na valedictorians ngayong taon ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA).

Sa Virtual Commencement Exercises na ginanap sa MalacaƱang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakatanggap ng house and lot sina Cadet First Class Gemalyn Sugui ng PMA Masidlawin Class of 2020 at Fire Cadet Lei Anne Banico Palermo ng PNPA Mandayug Class of 2020.

Payo pa ni Pangulong Duterte sa mga valedictorian na kapwa mga babae na huwag papasukin sa kanilang bagong bahay ang kanilang mga boyfriend na lasinggero, manloloko at mambababae.


Ginawaran naman ng Pangulo ng Rock Island Armory 45 caliber pistol sa bawat “class goats” o nakapagtapos na nasa huli ng overall ranking.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang mga ito na sina Second Lieutenant Rexllwyn Johanne Olivo Eson ng Philippine Army at Police Lieutenant Al Shadat Hassan Abdujarak ng PNP.

Binigyan din ni Pangulong Duterte ng pardon ang ilang kadete na nakagawa ng ilang offenses.

Facebook Comments