Pag-uusapan ng Metro Manila Council ang gagawing “enhanced vaccination mandate” na layong bigyan ng mas maraming pribilehiyo ang mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ang napagkasunduan ng MMC lalo na’t hindi naman pwedeng ipilit sa isang indibdiwal ang pagpapabakuna.
Ipinaliwanag ni Abalos na kabilang sa kanilang ginagawang pag-aaral ang pagkakaroon ng mas maraming rights para sa mga fully vaccinated sakaling ipakita nila ang vaccination cards.
Nauna nang sinabi ni Abalos na inaprubahan na nila ang resolusiyon na layong bumuo ng technical working group para makipagtulungan sa Inter-Agency Task Force.
Facebook Comments