Metro Manila Council, umapela sa publiko na maging vigilant

Manila, Philippines – Nanawagan sa publiko ang Metro Manila Council na maging vigilant sa harap ng panggugulo ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Regional Peace and Order Council Chairman Herbert Bautista, dapat ireport agad ng publiko sa mga otoridad ang ano mang kahina-hinala sa kanilang paligid.

Tinatalakay ngayon sa closed door meeting ng Metro Manila Mayors ang seguridad sa posibleng spill over sa Kalakhang Maynila ng kaguluhan sa Marawi City.


Kabilang sa dumadalo sa pagpupulong sa MMDA Headquarters sina Metro Manila Council Chairman Danilo Lim, NCRPO Chief,Police Director Oscar Albayalde, at AFP-Joint Task Force NCR head General Jesus Mananquil.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments