Metro Manila, dapat manatili sa GCQ; Pre-pandemic normal, posibleng maranasan ng mga Pinoy sa Enero 2021

Dapat munang manatili sa General Community Quarantine ang (GCQ) ang Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Prof. Guido David ng University of the Philippines (UP) OCTA research team, kahit nagfa-flatten na ang curve ng COVID-19 cases sa bansa, hindi dapat magpadalos-dalos ang gobyerno sa pagpapaluwag ng quarantine restriction dahil hindi malabong sumipa muli ang naitatalang bagong kaso nito.

Bukod dito, puno pa rin ang ilang ospital ng mga pasyenteng may COVID-19.


Dapat aniyang magdoble-kayod pa rin ang pamahalaan para masusing pag-aralan at maobserbahan ang epekto ng pandemya.

Samantala, ayon kay Prof. David, posibleng bumalik na sa pre-pandemic normal ang mga Pilipino pagsapit ng Enero ng susunod na taon.

Pero aniya, kahit may lumalabas nang mga bakuna kontra COVID-19, dapat pa ring panatilihin ng publiko ang disiplina para magtuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng sakit sa bansa.

Facebook Comments