Metro Manila District Jail warden, sinibak sa pwesto

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ang jail warden ng Metro Manila District Jail na si Supt. Gemelo Taol matapos makuha ang sandamakmak na mga kontrabando sa loob ng bilangguan makaraan ang sunod-sunod na greyhound operation.

Mismong si acting Chief, BJMP Jail Chief Superintendent Deogracias Tapayan, ang nag-utos ng pagsibak sa opisyal kaninang umaga.

Nakuha sa bilangguan ang hinihinalang shabu na nakalagay sa isang jar, ilang piraso ng drug paraphernalia at mga nakakamatay na bagay o deadly weapons.


Narekober din sa mga ginawang greyhound operation ang 40 cellphones, 62 sim cards, 9 USB devices, 71 packs at 239 sticks of cigarettes, 409 sticks ng tobacco wrapped in paper, at cash na P88, 220.00.

Sinabi pa ni Tapayan na ang operasyong ito ng BJMP ay bahagi ng Oplan Linis Piitan na ginagawa sa 475 District, City at Municipal jails sa buong bansa.
Tiniyak naman ni Tapayan na sa kanyang panunungkulan ay hindi uubra ang mga maling kalakaran sa mga bilangguan.

Facebook Comments