Tiniyak ng Malakanyang na nakahanda nang isailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maaari nang alisin sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) lalo na’t may pagbabago sa doubling rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Pero depende pa rin aniya ito sa kooperasyon ng publiko at sa pagsunod sa health protocols.
Gayunman, iginiit ni Roque na posible pa ring ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR kung bumilis muli ang doubling rate ng COVID-19.
Matatandaang inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa GCQ ang Metro Manila.