Metro Manila, hindi malayong ibalik sa mas mahigpit na community quarantine dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Maaaring ibalik sa mas mahigpit na community quarantine ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay kapag bumaba ang critical care facilities at tumaas ang doubling rate sa mga kaso ng COVID-19.

Gayunman, aminado si Roque na hindi na ito kakayanin ng ating mga kababayan.


Ang National Capital Region (NCR) ay kasalukuyan nasa General Community Quarantine (GCQ) na unang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Itinanggi rin ni Roque na hindi pa lubhang marami ang mga kaso ng COVID-19 sa mga hospital sa Metro Manila bagama’t nasa “moderate risk level” ang critical care resources.

Aminado naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay bunsod ng ipinatutupad na mas maluwag na quarantine restriction.

Aniya, asahan pang tataas ang kaso ng nakakahawang sakit depende sa pagsunod ng publiko sa safety at health protocols na ipinatutupad sa gitna ng pandemya.

Bukod dito, kailangan ding tingnan ang mga umuwing Locally Stranded Individuals (LSIs) at mga bumalik na Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansa sa biglang pagtaas ng kaso ng virus.

Facebook Comments