Metro Manila, hindi na kailangang ibalik sa mas mahigpit na quarantine measure ayon sa WHO

Wala nang dahilan para muling ibalik ang Metro Manila sa mas estriktong quarantine measure.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Acting Representative Rabindra Abeyasinghe, malubhang maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa kung muling ibabalik ang National Capital Region (NCR) sa mas mahigpit na quarantine tulad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Aniya, dapat na lamang ipatupad ang localized lockdowns sa mga lugar kung saan tumataas ang kaso ng COVID-19.


Muli namang nagpaalala ang WHO sa publiko na ugaliing sumunod sa health protocol tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks.

Inaasahan namang mamayang gabi ay ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine protocol sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments