Metro Manila, inirekomendang manatili sa General Community Quarantine; Cebu City, pinasasailalim din sa GCQ

Inirekomenda ng mga alkalde sa Metro Manila na manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region sa unang dalawang linggo ng Agosto.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, walang naging reklamo ang mga alkalde na i-maintain ang GCQ sa NCR.

Gayunman, nais ng mga ito na manatili ang kanilang kapangyarihang pumili ng mga lugar na mataas ang COVID-19 cases na isasailalim sa localized lockdowns para maiwasan ang community transmission.


Tiniyak naman ni Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na susunod sila sa gobyerno sakaling ibalik ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Samantala, inirekomenda rin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na isailalim sa GCQ ang Cebu City.

Paliwanag ni Cimatu, bumubuti na ang sitwasyon sa Cebu City at bumagal na ang positivity at doubling rate ng COVID-19 case o mga naitatalang nagpopositibo sa virus kada araw.

Mamayang gabi, inaaasahang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine classification sa NCR maging sa ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments