Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na dalhin sa mga Oplan Kalinga hotels at quarantine facilities ang mga residente nila na mild at asymptomatic patients.
Ito’y kung sakaling puno na ang kanilang mga sariling quarantine facilities.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, importanteng mailabas ang mga ito sa kanilang mga bahay dahil sa posibilidad na makahawa sa miyembro ng kanilang pamilya.
Sa ngayon, ay mababakante na ang 4,000 na mga kama sa mega quarantine facilities at Oplan Kalinga hotels, bunga ng tumataas na bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19.
Sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na makipag-coordinate lang ang mga LGU sa One Hospital Command Center (OHCC) na nakahimpil sa Metropolitan Manila Development Authority.
Bukas 24/7 ang command center at maaaring tawagan ang kanilang mga OHCC Hotlines sa 0927-728-0750, 0927-728-0753, 0927-728-0755, at 0927-728-0798.