Nangangamba si Senate President Tito Sotto III sa negatibong epekto na maaring idulot ng ipapatupad na suspensyon ng pagbiyahe patungo at palabas ng Metro Manila sa harap ng pagtaas sa mahigit 50 ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Sotto, posible itong magdulot ng higit na panic sa publiko at hoarding ng mga kinakailangang produkto.
Naniniwala si Sotto na mas maapektuhan ang mga mahihirap dahil wala silang magagawa sakaling magkaroon ng kakapusan ng pagkain at iba pang pangangailangan.
Paliwanag pa ni Sotto, masasaktan din ang ekonomiya kung mahihirapan ang pagbyahe sa National Capital Region (NCR) ng iba’t-ibang mga produkto.
Para kay Sotto, mas mainam kung localized containment ng COVID-19 cases ang isasagawa.
Facebook Comments