Hindi nakikita ng OCTA Research Group na magkaroon muli ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kahit pa nakitaan ng BA.2 Omicron sub-variant ang ilang lugar.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, hindi nila nakikitang magkaroon ng malakihang pagkalat ng kontaminasyon dahil marami na ang bakunado sa National Capital Region (NCR).
Aniya, posibleng 5,000 na lang ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Pebrero.
Gayunman, sinabi ni David na mahalaga pa ring sundin ang mga ginagawang pag-iingat para makasigurong ligtas laban sa COVID-19.
Hinimok din ni David, ang publiko lalo na ang mga bakunado na magpa-booster shot para tumaas muli ang proteksyon laban sa COVID-19.
Facebook Comments