DOH, wala umanong kinalaman sa transaksyon ng gobyerno at pharmally ayon kay Duque

Nanindigan si Health Sec. Francisco Duque III na walang kinalaman ang Department of Health (DOH) sa kontrobersyal na mga transaksyon sa Pharmally.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng kasong plunder, graft at iba pang kasong kriminal at administratibo sina Duque at ilang dating opisyal ng gobyerno kasama ng Pharmally executives.

Ayon kay Duque, binili ang pandemic supplies sa pamamagitan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) at hindi sa DOH.


Samantala, sinabi naman ni Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon na ilalabas nila ang full committee report kapag nakakuha na sila ng karagdagang impormasyon mula sa lima pang indibidwal na iniuugnay sa Pharmally.

Facebook Comments