Positibo ang Department of Health (DOH) na malaki ang tiyansang maibaba na ang COVID-19 quarantine status sa Metro Manila sa mga susunod na araw.
Ayon kay Health Usec. Rosario Vergeire, dahil ito sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng naturang sakit.
Sa ngayon, nasa low risk utilization na sa mga hospital ang parehong intensive care unit (ICU) at ward beds.
Pero nasa 12 pagamutan pa rin ang may mataas na ICU utillization rate, habang pito naman ang mayroong high risk ward bed occupancy.
Sa kasalukuyan, 7.7 ang daily rate sa National Capital Region (NCR) at kung bababa pa ito sa 7 ay sinabi ni Vergeire na dito na pwedeng sabihin na maaari nang ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Nasa pagpapasya naman ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang desisyon sa posibleng pagbaba ng Metro Manila sa alert level 2.
Kasama naman sa tinitigan ang pagbuti ng Prevent, Detect, Isolate, Treatment at Re-integration (PDITR) sa iba’t ibang lugar sa bansa.