Nakatulong sa Metro Manila na makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., mas kontrolado ang COVID-I9 cases sa Metro Manila kumpara sa ilang siyudad sa Estados Unidos at Europe.
Ang National Capital Region (NCR) na may higit 16 milyong populasyon ay nakapagtala lamang ng 842 namatay, habang ang Lombardy sa Italy na may 10 milyong populasyon ay nakapagtala ng higit 32,000 namatay.
Nasa 61,000 naman ang namatay sa New York na may 19 million population.
Sinabi pa ni Galvez na ang bansa ay nakakapagtala lamang ng average na 250 na bagong kaso kada araw sa kabila ng higit 11,000 daily test na isinasagawa.
Gayumpaman, iginiit ni Galvez na hindi pa rin dapat magpakakumpiyansa at mahalagang may disiplina at maging responsable.